Meh. Haha! Napagtanto ko lang naman. Kanina may unknown number na nagtext sa'kin. Syempre unknown, 'di ko nga kilala. Pero may nasa isip na ako kasi yung laman nung text ".ell0w. ." Meh. So ayun, pinadaanan pa ako ng GM, ang haba, dalawang parts. Wao. Ayun, tamang hinala. Yung katulong nga namin dati na nagbigay ng retailer na sim card sa'kin na nawala kasama nung phone ko na 5130. Kaso ang pinag-iisipan ko ngayon, KANINO NIYA NAKUHA NUMBER KO. :|
Hahaha! I am happy for some unknown
(Talaga lang ah?) reasons right now. Sobrang ngiting-aso ako dito. POAHAHAHA. I am a person who appreciates simple things. Kaya syempre, simpleng bagay ikinasasaya ko. (
At dahil tinatamad ako mag-edit ng blog post at sinabi ko na naman na na-miss ko mag blog flood, go lang!)
I never received this much attention from him and I am just so happy right now.
Teehee! Ni-like ni Sir yung status ko. Hahaha! ♥ Wala akong paki sa reason ng pagla-like niya, basta ni-like niya. :"> Ang saya-saya ko. :) Tapos, first time. Sa buong school year, ngayon lang kami nagkachat ng ganun katagal. Kasi nung una akala ko, mapuputol na kagaya ng normal pero hindi eh, may pahabol. Ayun, natuwa lang ako. :) Hahaha! Pero kay Sir talaga eh. :")
Ewan ko, basta ang sama lang ng pakiramdam ko. Hindi siya sa sakit or what, emotionally stressed na naman ako. Lechugas. :| Pwede kayang hindi na ako pumasok forever? Tragis. Nakakainis lang. Basta basta basta. Wala lang talaga ako sa mood ngayon. Naiirita ako na ewan. Matutulog nalang ako ng maaga mamaya. Mga 11 or 12, okay na. Badtrip.
Ang boring dito sa bahay. :( Pero most prolly, mas boring sa school. Lol! Hindi ako pumasok ngayon kasi ang sakit na naman ng ulo ko. Isang linggo na 'tong headache ko ah. Wtf. Nagpupuyat man ako o hindi, nandun pa rin eh. Shit lang. Hayy. Tapos inuubo ako tapos sinisipon pa. Yay! Normal naman yan sakin. Pfft.
Pero ayos lang, pabor sa'kin na hindi pumasok. Nakakatawa lang eh. Ngayon pa dumating yung padala nila Mommy. ♥ Teehee. Ang dami na naman foods dito sa bahay, mostly matamis. Looking forward to worse coughs and tonsillitis. Hahaha! Kasi inulan kaim ng Skittles, Swiss Miss, Kellogg's, Dove, Nestle at Cadbury. Hahaha! Pero in moderate in take naman. Mamamatay ako ng maaga niyan. Lel. Tapos may vitamins dun na favorite ko. Mehehehe. Kasi gummy talaga siya. Nakakatuwa. Dati. pinapak ko yun eh, akala ko gummy bears. LOL!
Ayun, ngayon nanunuod ako ng Playful Kiss. Isa or dalawang episode lang balak ko panuorin ngayon tapos magte-Tetris ulit ako. NagTetris na ako kanina eh kaso ubos na energy ko. Hahaha! Most probably pagkatapos ko manuod, mahigit kalahati na ulit energy ko. MEHEHEHE! Ewan ko, sabi ko hindi ako maaaliw sa Tetris eh. Pero natutuwa na naman ako pero Playful Kiss parin priority ko. Kasi ibabalik ko na siya sa isang araw eh! Huhuhu! Kailangan matapos ko. Nakakasad. Kaso, hindi ko siya ma-take panuorin. Wahaha! Ang daming nakakatawang moments eh. Kailangan poker face ako dito, sabihan na naman akong Lola kong baliw. LELELEL.
Siguro, isa sa mga reason kung bakit napagdesisyunan kong hindi pumasok kasi para may kasama Lola/si Mommy dito. Birthday niya kasi. <3 Hahaha! Pero kanina ko nalang ulit naalala. Kagabi, pinag-uusapan na namin pero nakalimutan ko tapos naalala ko nalang nung tinatago na yung mga foods. Eh hindi ko pa nababati kaya sabi ko nalang "Mommy, sakto ah. Pa-birthday gift sa'yo nila Mommy tsaka Daddy (referring to Mommy talaga tsaka isa pang Lola tsaka Lolo ko. Nasa US kasi sila.)" Hahaha! Pa-simple. :D
Originally, maghalf-day dapat ako. Eh tinamad na ako pagkagising ko kanina. Tsaka ayaw ko talaga mag CAT uniform tsaka tumutulo talaga sipon ko tsaka masakit ulo ko kaya hindi na ako pumasok. Hahaha! Kaya yung mga dapat na ipabigay ko, pina-utos ko na ibigay ni Allain. Sabi ko sa kanya, excuse nalang siya ng classmate ko. Una talaga, si Czar na yung na isip ko. So nagsulat na ako ng letter ko para sa kanya na naglalaman ng utos ko. Eh hindi kilala ni Allain. Hindi na niya matandaan. So sabi ko, sino? Si Grench daw. Eh baka magalit naman sa'kin yun na inuutusan ko. Tsaka hindi sila close ni Allain. Hahaha! Ate Grench nga daw eh. WAHAHAHAHA! Tapos si Von o kaya si Prio nalang. Hindi na rin DAW matandaan ni Allain si Von, so si Prio nalang. Tsaka mas malapit kasi sa door si Prio kaya siya nalang yung pinili ko. Hahaha! Saya ko eh. May kulang nga sa nai-utos ko eh. Ngayon ko lang naalala. Oh well. Sana hindi maligaw si Allain at maibigay niya yung mga pinabibigay ko. :( Patay ako kay Mikee pag hindi niya nakuha yung CAT Thesis naman. Ohmy. D:
Alam niyo, or nung iba (dahil sa RF ko) na ayaw kong sinasabihan akong mataray. Seryoso. Naiiyak talaga ako.Hindi ko talaga alam kung bakit, pero kaninang umaga sobrang iritable ko. Sa piling tao. Or baka baliktad, sa piling tao lang ako iritable. Hindi ko alam. :( Nakakadepress pang isipin. Tapos hindi ko pa maalala kung ano yung pinaggagagawa at pinagsasabi ko kanina, lalong nakakadepress.
Kaninang Music ata, hindi ko talaga maalala, pero sinabihan talaga ako ni Grench ng
“Bakit ang taray mo?” Dafuq. D: Ngayon ko lang na-feel ulit, naalala ko eh kaya ngayon lang nakapagreact. Nagalit na nainis talaga ako kanina.
(Magkaiba naman sila ng meaning diba?) Tapos medyo hindi ko na talaga pinansin, liningon ko si Czar saka kami nagkantahan. Ngumingilid na luha ko eh. Hahaha! Lel. Pero nawala din kaagad kasi natawa ako kay Gid. :))
Pero ewan ko, kaya talaga halos puro ‘oo nalang’ tsaka patango-tango tsaka lingon-lingon lang yung mga pagpansin ko kay Grench nung mga umaga.
(Nagui-guilty ako bigla. O_o) Pero nung after lunch, medyo nakalimutan ko na galit ako sa kanya
(Lagi naman ganyan eh. -.-) dahil sa Math. Tapos nagalit ulit ako sa kanya kasi hindi siya nakinig sa’kin, tapos nagalit ulit ako kasi hindi niya ako pinayagang hindi bumaba
(Kasi wala naman talagang choice, bawal talaga, pero nagalit pa rin ako. Pero joke lang yun) pero pinansin ko rin siya nung PE tapos hindi ko na matandaan.
Pero bottom line nung mahaba kong sinabi, nagalit na nainis na naiyak na naiirita talaga ako nung sinabihan akong mataray kahit kasalanan ko naman ata pero hindi ko talaga matandaan kung bakit at ngayon nagui-guilty ako kasi feeling ko nambabastos na naman ako ng kausap.
Hindi ko alam kung sino pang nagbabasa ng blog ko. At hindi ko rin alam kung sino-sino ang nakakaalam nito. Ang sigurado ko lang, mostly online friends lang. *I hope so. Ayokong lumabas yung sasabihin ko dito, nakakahiya.*
Dati, kung nagbababasa ka talaga, makikita mo na lantaran akong naglalagay ng pangalan ng mga kinahuhumalingan ko. WAHAHAHA! I shall die now. Commence suffocation. Jk~ I am so nahihiya right now. *Wee~ Conyo* Hindi ko alam kung bakit. Is it because dati, may alam akong particular person reading this habang ngayon, wala at unknown kung kani-kanino umaabot 'to? Ewan. Pero ayun. Basta.
I miss flooding my blog. I mean yung nakaka 6 post per day ako. Hahaha! Ngayon, baka maka-4 or 5. :) Naaaliw ako eh. Hindi naman ako ganito sa Tumblr, cool. ♥
I fckin miss this blog. :( Gumawa ako ng isa pa, yung temporary sanctuary ko after leaving this tsaka nasa Tumblr ako ngayon and yet hinahatak ako pabalik dito. I dunno. :( Siguro masyado nalang talagang maraming emosyon, oras at kung ano pa man ang nai-alay ko sa blog na 'to kaya hindi ko magawang iwanan. Things, mentioned below, wala na sa'kin yan. I have my life now. So kung ano mang kabitteran yan nandyan, I seriously don't give a damn anymore. Importante sa'kin, makapagsulat sa kung saan ako kumportable para walang naiiwang feeling sakin. :) Ayun lamang.
In short, I am announcing my return. Ang aking pagbabalik. I said I was leaving, but I never said I ain't coming back. 2-3 months have past, and it's time to make/enter some new chapters of my life. ♥