Grabe, after 20 minutes, ang saya ko kaagad. Ganun na ba talaga ako kababaw?
Almost 21 hours na ako gising, although hindi na naman bagi sa'kin 'to. Honestly, gusto ko na maligo ngayon para hindi pa ako makatulog. Natatakot ako na siya, sila na naman yung maging laman ng panaginip ko. Yung feeling na gusto ko nang lumayo dun sa tao kaso pano mangyayari eh araw-araw ko napapanaginipan. Sa school, bihira ko na kausapin at pansinin, pero nasasayang siya talaga eh. zzz. Leche.
Pero imbis talaga na project sa Filipino yung pinag-iisipan ko, nagawa ko pang unahin yung pagbblog at pakikipagchikahan kay KDG-sama eh. Yay! Bakit ba kasi kailangan Tagalog yung project sa Filipino?! Ang hirap tuloy. :(
Kanina since tambay lang ako sa AVR namin at nanunuod ng mga naglalaro, napagdesisyunan kong mag TapTap. Ang saya ko pa nung nakita ko yung The Thespian eh. Kaso nung nilaro ko na, imbyerna, ang hirap. :( Pero si Dean 100% niya ata yun. Nakakadepress.
Favorite kong kanta yang The Thespian last year eh. Sound trip namin ni Ggio yan nun. Lololol~ Btw, The Thespian by Alesana yan. x)
Tapos meron din dun BTF, The Maine, tsaka may isa pa eh. God Wears Gucci, isa pang mahirap. Geez. Ngawit na ngawit kamay ko dun pero yung sa The Maine na nakalimutan ko yung title, kinaya kahit expert. Nakakaaliw.
Bukas kaya, ipapahiram pa ni Dean sa'kin yung iPad niya? Gusto ko pang maglaro eh. x) Hahamunin ko si Von kasi hindi ako nanalo sa kanya sa House Music kanina. :/
Nakipagpustahan kasi ako kay Grench kanina. Pusta namin, walang kamatayang Mountain Dew.
Aba syempre, since mas may experience ako sa kanya, panalo ako. Although muntikan siyang manalo sa'kin kanina. Naggulangan lang talaga kami. x)
- First set, panalo ako. Kaso sabi niya practice lang daw. Edi pinagbigyan ko.
- Second set, laman siya ng 3 points. Eh ayoko nang habulin edi sabi ko back to zero tapos official na yung susunod. Pumayag naman siya para daw tabla. Hindi ko na nga tinapos 'to eh. 8-5 ata.
- Third set, panalo ako.
Halos puro service game lang 'to eh. :)) Napagod lang ako sa kakahabol ng bola. Bitch kasi. Plus gumagapang ako para kumuha ng bola. Ichura ko naman dun! :facepalm: Pero ayos lang, para sa ipinagbabawal sa'king Mountain Dew. :3 Saya nga eh, pumayag siya. Siya pa naman din 'tong isa sa mga nagbabawal sa'kin uminom pero hindi ko sinusunod kaya pumayag nalang siya or sadyang nakalimutan niya lang talaga. Nadala sa pusta. XD
For the nth time.
Siya yung iniisip ko habang kinakabahan ako kanina. Iniisip ko na naglalaro siya, na nandun lang siya. Kasi yung presence niya palang, parang calming. Baliktad. Mwuahaha! Kasi every time na naiisip ko siya, kinikilig ako, nangiti-ngiti na parang baliw kaya nakakawalang kaba. Ang saya. Ang sarap sa feeling. Lol~ Pero syempre, dahil magaling yung doubles partner ko kaya kami nanalo, hindi dahil sa kanya. Hahaha! Inspirasyon ko lang, at pangtanggal kaba. Minimal skills/talents lang naman ako dun. Si Joanne yung nagdala nung game. Hahaha!
Crush at inspirasyon ko, iisa nalang. ♥
RF: Kanina lang ako natuto kung papano mag forehand na return dahil sa mga nakakaloka kong kalaro. Puro 'di kinakaya ng backhand na return eh.