For an instance, si Mafu. Hindi sila magiging friends ni Mafu ngayon kung hindi dahil sa desire niya na magkaroon ng panakip butas. I mean gamit para sa mag-asawa. Na makita nilang masaya siya. As far sa I can remember, yan yung original purpose kaya kinaibigan si Mafu. Isa na namang pawn niya.
Ngayon, pati si Jono. WOW. I mean iisipin ng iba gusto ko kaibigan ko lang si Jono, like WTF naman. Pero alam mo yun, sa isang maikling pag-uusap, nagawa niyang manipulahin yung utak niya, kumampi sakanya.
Jono nababasa mo toh, pero sana walang lalabas dito. Kung anong nasa blog ko, sa blog ko lang. At kung ano yung mga sinabi ko SAYO, sayo lang. As of now ikaw pinakapinagkakatiwalaan kong tao, wag mo sana sirain tiwala ko.
Hindi ako HATER. Kaibigan ko siya kahit gano siya ka selfish, kagago. Pero sana lang naman, tama na tong gaguhan. I know may motibo siya, kinwento niya lahat eh. May balak siya, ayoko ng alamin pa.
I'm sick and tired of his games. I've been a pawn, once, though I am not directly involved. My existence is essential to his plans. Like what another friend said.
Masakit mang isipin, hindi sumanggi sa isipan ko yun pero nararamdaman ko. Nagpapakabulag ako kasi kaibigan ko siya eh at nung mga panahong yung nasa kanya yng tiwala ko. Ayaw ko na mangyaro sa iba yan.
Sabi ko sa kaibigan ko, I was never his pawn. If I was, nag gagamitan lang kami. Pero kung tutuusin, lugi ako sa bargain kung ganyan eh. Kasiyahan, pamatay ng boredom at testing lang ng logical reasoning nahahasa sakin eh. Hindi importante. Pero nevertheless, pinanindigan ko yan.
Hay sa kawalanghiyaan lang napapadpad tong blog ko. Ewan ko na kung ano na ang purpose, medyo lumihis na ata, oh well. :) Better than nothing.