Minsan nakakatanga. Akala mo pag nag-aaway, parang LQ lang. May suyuan pag tapos. Minsan may mga stupid sweet talks na halos patayin ako sa kilabot. Meron ding iyakan segments na akala mo eh nagbreak na nag-aayos ng problema. Mga ever lasting na pag-aaway.
Sawang-sawa na ko sa lokohan. Pwede ba? Ikaw na bukambibig ng ga kaklase ko, laging may intriga. Akala nila may something. Jusko. Nakakainis lang. Tipong walang araw na hindi ako habulin ng intriga. Walang araw na hindi ako namomoblema kung pano mag sorry. Lagi nalang pag tayo nagtatalo, ako nalang mali. Lagi nalang nalang ako umiiyak dahil sayo. Shit lang.
Itigil nalang yung kalokohan. If this is breaking the promise, gora lang. I am not bound by those vows anymore.
Sabi ko sayo eh, sawang-sawa na ako umiyak. Ayoko na. Alam mo naman yun diba?