Agree, disagree?
Ang tao kasi, kadalasan malawak ang imahinasyon thus malawak kung mag-expect. Ano nga ba mapapala mo pagnag-expect ka? Wala naman diba. Thrill siguro, pero other that that? Wala. Aksaya sa brain cells at luha kapag sawi in return.
Same goes pag umasa ka. Ang taong umaasa, most of the time, disappointments ang nakukuha. Hindi naman sa unable ma-achieve ang isang bagay pero may mga pangyayari lang talagang IMPOSIBLE.
Disappointments, depressions, stress, pressure, metal retardation, problema, heart-aches, eyebags, sore eyes. Common na makukuha natin in return.
Wala akong sinabing masama o bawal ang pag-eexpect at pag-asa sa mga bagay-bagay. Pero emotionally at psychologically? Hindi talaga maganda eh.
Iniisip nang iba, ang nega ko. Pero truth hurts. Truth are based from the negative views translated positively para kaaya-aya siyang tignan o pakinggan.
Sabihin niyo negative, masama yan. Yes. Pero ang pananaw sa pagiging masama at mabuti, nasa tao lang. Optimists, consider these information FALSE. Pero sa mga pessimist na kagaya ko na ang views in life ay mostly self-realizations and negations eh magkakasundo-sundo tayo.
So what made me post some random blog post?
Recently, eto ang problema ko. No slash that, hanggang ngayon, UNDER pa rin ako nito. Who am I to talk nga naman. As I've said, I tend to negate. Iba yung nilalabas ng brain cells ko kesa sa subconscious na galaw ng body parts at organs ko.
Actually, hindi lang ako eh. MARAMI. Masakit nang sobra. Sobra na kulang nalang eh matuyuan ka nang tubig sa katawan pag umiyak ka sa gantong dahilan.
Pero pinakrelatable toh sa lovelife, though hindi ko na problema toh. :)) Far more sensible kesa sa love and pinopoblema ko.
You're expecting something in return sa feelings mo. Umasa ka may isusukli. Yun pala wala.
So napaisip ako. Sa sentence ko, parang walang pinagkaiba yung EXPECT at ASA. So since gumagawa ako ng sarili kong pananaw eh syempre may explanation dyan.
Expect; May bottom line, may kailangan kang i-meet. E.g. Satisfaction, self-assurance ans stuff.
Asa; Parang gumagawa ka nang sarili mong future in parallel sa mga events na nangyayari currently.
I have every right to share my thoughts. Nasa inyo kung babasahin niyo o hindi. :)