Sabi ko na, pagkinarir ko na yung Tumblr, makakalimutan ko nang magpost dito. Hindi ako nagkakamali. Pero ang importante, blog ko pa rin 'to at hindi ito alam ng mga classmates ko. *sana* Kasi mas napapanatag talaga ako magtype ng mga pagddrama at kalokohan ko dito eh. Pag sa Tumblr kasi, ang daming umuusyoso, ang daming matang nakatingin at iniintay na may masabing mali sabay saka puputak yung bibig ng hindi kanais-nais. D:
Sorry, pero ganyan talaga yung view ko sa Tumblr. Kinarir ko lang dun kasi may Reblog, may Like, at maraming gwapo. Plus willing ako maka-meet ng new friend. Ayun lamang.