Alam niyo, or nung iba (dahil sa RF ko) na ayaw kong sinasabihan akong mataray. Seryoso. Naiiyak talaga ako.
Hindi ko talaga alam kung bakit, pero kaninang umaga sobrang iritable ko. Sa piling tao. Or baka baliktad, sa piling tao lang ako iritable. Hindi ko alam. :( Nakakadepress pang isipin. Tapos hindi ko pa maalala kung ano yung pinaggagagawa at pinagsasabi ko kanina, lalong nakakadepress.
Kaninang Music ata, hindi ko talaga maalala, pero sinabihan talaga ako ni Grench ng “Bakit ang taray mo?” Dafuq. D: Ngayon ko lang na-feel ulit, naalala ko eh kaya ngayon lang nakapagreact. Nagalit na nainis talaga ako kanina. (Magkaiba naman sila ng meaning diba?) Tapos medyo hindi ko na talaga pinansin, liningon ko si Czar saka kami nagkantahan. Ngumingilid na luha ko eh. Hahaha! Lel. Pero nawala din kaagad kasi natawa ako kay Gid. :))
Pero ewan ko, kaya talaga halos puro ‘oo nalang’ tsaka patango-tango tsaka lingon-lingon lang yung mga pagpansin ko kay Grench nung mga umaga. (Nagui-guilty ako bigla. O_o) Pero nung after lunch, medyo nakalimutan ko na galit ako sa kanya (Lagi naman ganyan eh. -.-) dahil sa Math. Tapos nagalit ulit ako sa kanya kasi hindi siya nakinig sa’kin, tapos nagalit ulit ako kasi hindi niya ako pinayagang hindi bumaba (Kasi wala naman talagang choice, bawal talaga, pero nagalit pa rin ako. Pero joke lang yun) pero pinansin ko rin siya nung PE tapos hindi ko na matandaan.
Pero bottom line nung mahaba kong sinabi, nagalit na nainis na naiyak na naiirita talaga ako nung sinabihan akong mataray kahit kasalanan ko naman ata pero hindi ko talaga matandaan kung bakit at ngayon nagui-guilty ako kasi feeling ko nambabastos na naman ako ng kausap.